Kami ay nagkita kita sa starbucks malapit sa pcj ng alas singko-ymedya. ako ang pang apat na nakarating sa starbucks, nagantayan lang kami hanggang ma kompleto kami. Nung na kompleto na kami ay dumeretso na kami sa bahay nilqa seejay. Sa pag dating namin kala seejay ay ng antay kami ng mga ilang minuto at umalis na rin kami papunta sa Batangas. sa pag dating namin sa Balai ay nagayos lang kami ng kunti sa kwarto at kami ay lumangoy na. dahil bawal ang tumalon at mag dive ay nakababad lang kami at sobrang lamig rin ng tubig. pag tapos nun ay nagpahinga kami at kumain ng tanghalian, ang sarap ng niluto ng nanay ni seejay na pasta. tumambay lang kami pagtapos namin kumain ng tanghalian kwentuhang tropa at nagkukuhanan ng mga litrato. nung isang sandali ay bumaba kami ng kwarto at papunta daw kami sa piknik, etong piknik na toh ay idiniriwang dito ang kaarawan ng inay ni seejay. pagtapos nun ay nagikot-ikot at ngkukuhanan ng litrato sa lugar. sa ganda ng pwesto at mahalimuyak na simoy ng hangin ay masarap maglakad kasama ang barkada at makipagkwentuhan. sa pag sapit ng dilim ay muli kaming tumungo ng tropa sa paglalangoy, nagkukuhanan kami ng litrato sa ilalim ng tubig dahil dala ni mike un kamera na "waterproof". ng tinamad na lumangoy ay kumain kami ng hapunan at tumambay sandali at dumeretso na kami sa kwarto. nagpahinga kami kunti at nagsimula na ang tunay na kasiyahan, may sound system kami na malakas at ang una naming ginawa ay ng laro kami ng larong "truth or truth". dito na nag kaalam. pagtapos nun ay nagkaroon ng pagkakataon na mag usap ang mga lalake na may inuman na rin (boys talk). mga sekreto ay samin samin lang. pagtapos nun ay tinamad na ang iba uminom. kaso un iba katulad ko ay inubos namin ang mga inumin. sa sobrang saya namin ay natapos kami ng mga alas kwatro ng madalingaraw. dapat ay bibili pa ng inumin kaso un iba na lasing na at un iba may tama lang. nung natutulog na kami ay madaming nangyari kaso hindi ko na lang ikekwento. Nagacing kami ng mga alas otso ng umaaga at kumain ng pancit canto. pagtapos kumain ay lumangoy ulit kami. ngaun naman ay lumangoy kami dun pool na may slide. pagtapos ay nagayos na kami, naligo, inaayos un gamit, nagayos ng kunting kalat. hindi na tuloy ay pagsabay sabay na umuwi dahil un isang driver ng kotse ay nagback-out. nangyari ngaun ay naunang umuwi si djane at lorenzo kasama ang nanay at kapatid ni seejay. kaming mga natira ay nagaantay sa transpo pauwi, sa pagaantay namin ay kumain muna kami ng tanghalian kasama ang tatay ni seejay. pagtapos nun ay uwian time na. ako, rave, josh, at carlos ay sumakay dun sa kotse ng tatay ni seejay. sa galing mgdrive ng tatay ni seejay ay naaliw kami. kaya pala ganun magdrive ay dati palang lumalaban sa karera ng kotse.un iba pala sila eric jason at iba ay sa ibang kotse naman sila. kami ang unang nakarating sa bahay nila seejay, pagdating namin dun ay. muli ulit kaming kumain. inantay namin mkrating un kabilang kotse mga ilang sandali ay umuwi na un iba saamin.
Sori kung hindi masyado maayos ang una kong post, first time ko lang kasi eh pati hindi talaga ako magaling gumawa ng ganito. yan lang ang nakayanan ko.
Sori kung hindi masyado maayos ang una kong post, first time ko lang kasi eh pati hindi talaga ako magaling gumawa ng ganito. yan lang ang nakayanan ko.
No comments:
Post a Comment